Bagong batas na nilagdaan ng Pangulo, makakatulong sa food security ng bansa

81

Ipinagpasalamat ni Senator Cynthia Villar ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa RA 11707 na magtuturing sa munisipalidad ng San Jose sa Batangas bilang “Egg Basket of the Philippines.”

Tiwala si Villar na ang naturang batas na nagtatakda sa San Jose bilang Egg Capital ay makakatulong ng malaki sa ating food security at sustainability.

sinabi ni Villar daan ito sa pagpapaunlad sa egg industry na patuloy sa pagbibigay sa kanila ng kita at trabaho.


diin ni Villar, ang batas ay pagkilala din Sa pagsisikap ng egg farmers ng San Jose, Batangas.

Binanggit ni Villar, na ang San Jose ay isang first-class municipality na may pinakamataas na egg production na umaabot sa 70,000 tonelad ng itlog kada taon.

Facebook Comments