ACT Teachers Party-list, umapela sa Comelec En Banc na pagtibayin ang pagkansela sa Duterte Youth registration

Ikinalugod ng ACT Teachers Party-list ang pagkansela ng Commission on Elections (Comelec) Second Division sa registration ng Duterte Youth Party-list.

Apela ng grupo sa Comelec En Banc, pagtibayin ang naturang pasya upang mabigyan ng pagkakataon ang karapat-dapat na party-list groups na maiproklama bago ang June 30.

Giit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, ang Duterte Youth ay hindi tunay na kinatawan ng mga kabataan dahil itinatag ito upang palakasin ang pampulitikang makinarya ng pamilyang Duterte at gawing sandata laban sa mga progresibong organisasyon ng kabataan.

Diin naman ni ACT Teachers Party-list Representative-elect Antonio Tinio, mahalagang matiyak na ang party-list system ay maglilingkod para sa tunay na kapakanan ng mga sektor na kinakatawan nito at huwag magpagamit sa pansariling intres ng mga pampulitikang pamilya.

Facebook Comments