Nagsagawa ng seminar tungkol sa wastong paghawak ng karne ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos noong Oktubre 19, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-33 Meat Consciousness Week sa LGU Complex, Barangay Agdao,
Pinangunahan ang aktibidad ng City Veterinary Office sa ilalim ni Dr. Solomon Gabuyan, sa pamumuno nina Mayor Julier Resuello at Vice Mayor Joseres Resuello.
Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa tamang paghawak ng karne, kaligtasan sa pagkain, kalinisan, sanitasyon, pagkontrol sa mga peste, at pagsunod sa mga umiiral na regulasyon.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang kalusugan ng publiko at matiyak na ligtas, malinis, at dekalidad ang karne na ipinagbibili at kinokonsumo ng mga residente.
Patuloy rin ang pagsususlong ng lungsod sa wastong pangangasiwa sa mga produktong karne para ligtas na pagkain at mas malusog na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










