PAO Chief Persida Acosta, hinimok ni Sec. Duque na magpabakuna na kontra COVID-19

370

Hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na magpaturok na ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Duque, palagay niya ay malapit nang maging senior citizen si Acosta kung kaya’t kinakailangan niya ng karagdagang proteksiyon.

Aniya, dapat din maging bukas ang isipan ni Acosta na suportahan ang vaccine rollout ng pamahalaan lalo na’t marami na itong nailigtas na buhay.


Matatandaang kamakailan ay inamin ni Acosta na hindi pa siya bakunado at hinihintay pa niya na maglabas ng “protein-based” vaccine.

Samantala, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, dapat sumunod si Acosta sa mga polisiya sa pagpasok sa trabaho kagaya ng pagsasailalim sa COVID-19 test kada-dalawang linggo hangga’t hindi pa siya bakunado.

Facebook Comments