5 miyembro ng “Salisi” gang, arestado sa NAIA T3

Arestado ng Manila International Airport Authority (MIAA) Airport Police Department ang limang miyembro ng “Salisi” gang na bumibiktima ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 3.

Dalawang iba pang kasapi ng grupo, nakatakas habang nabawi sa mga naaresto ang mga ninakaw nilang dalawang mobile phones at isang laptop.

Ayon sa MIAA, partikular na binibiktima ng mga suspek ang mga pasaherong natutulog sa paliparan.

Nabatid na matagal nang sinu-surveillance ng airport authorities ang mga suspek.

Pinapayuhan naman ni APD Chief Col. Bing Jose ang mga pasahero na manatiling naka-alerto sa loob ng paliparan.

Facebook Comments