Dami ng mga botante sa bawat presinto, dahil sa limitadong budget para sa ACM —Comelec

Nagpaliwanag ang Commission on Elections (Comelec) sa naging pagbabago at pagsisiksikan ng botante sa mga presinto nitong nagdaang halalan.

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nagkaroon kasi sila ng clustering ng mga presinto.

Layon daw nitong makatipid ang Comelec sa renta ng automated counting machines lalo na’t limitado lamang ang budget na ibinigay sa kanila.

Hindi na aniya kakayanin kung aabutin ng 200,000 ang mga makina na kanilang kailanganin.

Sa ngayon, plano ng poll body na idulog sa kongreso ang naging problema sakaling magkaroon ng assessment sa nakalipas na midterm elections.

Nasa mahigit 93,600 ang presinto nitong eleksyon habang aabot sa 110,000 ang mga ginamit na Association for Computing Machinery (ACM) sa ilalim ng kontrata ng Comelec at Miru Systems.

Facebook Comments