
Cauayan City – Limang most wanted peron ang naaresto ng kapulisan sa iba’t-ibang bahagi ng Cagayan sa bisa ng warrant of arrest.
Tatlong wanted na indibidwal ang dinakip ng Tracker Team ng Iguig Police Station dahil sa kasong Syndicated Estafa na walang piyansa at kasalukuyang nakakulong sa Cagayan Provincial Jail sa Brgy. Carig Norte, Tuguegarao City.
Isang 36-anyos na lalaki naman ang naaresto ng PNP Tuao dahil sa kasong Adultery sa ilalim ng Article 333 ng Revised Penal Code na may piyansan P36,000.00, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Tuao Police Station.
Samantala, isa pang 33-anyos na residente ng Claveria, Cagayan ang inaresto ng PNP Claveria dahil sa kasong Theft, na may piyansang P30,000.00 at kasalukuyang nasa kustodiya ng Cagayan Provincial Jail Extension sa Brgy. Centro 1, Sanchez Mira.
Patuloy naman ang pagsisikap ng Cagayano Cops na matiyak ang kapayapaan sa buong lalawigan.