
Nananawagan ang August 21 Movement sa iba pang educational institutions sa bansa na magkansela rin ng klase upang makipagkaisa sa diwa ng sa EDSA People Power Revolution sa February 25.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng “non-academic, non-working day” ng Catholic Schools sa National Capital Region.
Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong henerasyon na magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa diwa ng EDSA people power revolution.
Ayon kay ATOM President Volt Bohol, may malaking papel ang mga educational institution sa paghulma sa kaisipan ng mga kabataan upang makapagsuri sa katotohanan sa mga nangyari sa kasaysayan ng bansa.
Aniya, mahalaga na maarmasan ang mga kabataan ng sapat na kaalaman upang labanan ang historical revisionism.
Ipinaalala ni Bohol na ang 39th anniversary ng People Power Revolution ay higit pa sa isang selebrasyon.
Ito aniya ay isang pagkakataon para sa pagninilay sa mga kaugalian o values na sumasalamin sa tunay ng diwa ng pagka-Pilipino.