
Ang pasko ay malapit na naman. Mabenta ang mga bagay na lihka ng kamay dahil may kasamang pagmamahal; pagmamahal na hindi matutumbasan ng anumang mamahaling bagay. Tayong mga pinoy ay kilala bilang mapagbigay kahit pa kapos sa buhayg ganiyan natin binibigyang halaga ang pasko sa ating bansa. Maraming nagsusulputang samu’t-saring negosyo na patok at abot kaya ng masa.
Ang pagiging madiskarte ay isang paraan upang kumita. Narito ang ilan sa mga swak na negosyo na maaaring subukan sa Paskong darating:
CARICATURE

Isang alaala upang maipakita ang kahalagahan ng taong iyong minamahal.
DIY TERRARIUM

Upang maramdaman natin ang kapaskuhan, sa pamamagitan nito ay maaari na lumikha ng nyebe upang gawing disenyo at iba pang gamit sa pasko.
STATEMENT T-SHIRTS

Isang paraan upang maipakita ang pagiging malikhain at mailabas ang saloobin.
FOOD BAZAAR

Sa halip na sa magagarang restaurant ay mas nakahihikayat sa tao ang abot kaya ng bulsa.
PAGBEBENTA NG PAROL

Ito ay simbolo ng kapaskuhan, na ginagawang palamuti sa bawat tahanan. Nagbibigay inspirasyon upang maging positibo ang pananaw sa buhay.
Article written by Charlize May Quero