MGA MAG-AARAL NG CALASIAO NA NAGPAKITA NG HUSAY, BINIGYAN NG PAGKILALA

Bitbit ang kaalaman at talento, ipinakita ng mga mag-aaral ng Calasiao ang kanilang husay sa iba’t ibang larangan ng sports at akademya.

Sa kabila ng mga pagsubok, nagtagumpay ang mga kabataang ito, at bilang pagkilala sa kanilang tagumpay, pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Calasiao ang pagbibigay-pugay sa kanilang mga nagawa.

Kabilang sa mga kinilala si Prinze Jei-Ar Domagas, na itinanghal bilang Champion sa National Basic Accounting Contest. Gayundin, ang mga piling mag-aaral mula sa Calasiao Comprehensive National High School (CCNHS) na naging bahagi ng National Science Quest Contest, at ang mga estudyante ng Bued Elementary School bilang qualifiers sa Regional Festival of Talents.

Isa pang tampok na kuwento ay si Jazmine Kaye Vinoya, isang siklista mula sa Sir Merlan Learning Center, na kamakailan ay nagwagi ng 2 Gold Medals at 1 Silver Medal sa 2025 Hill Cycling National Road Championship.

Ayon kay Jazmine, Ibigay ang best effort may medalya man o wala dahil ito ang susi sa bawat tagumpay.

Ang pagkilala sa kanilang mga ambag ay hindi lamang isang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa iba, lalo na sa mga kabataan ng Calasiao at sa buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments