
Bukod sa malaking diskwento sa pamasahe ng mga mag-aaral sa MRT at LRT, nais din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matamasa ng mga senior citizen ang malaking diskwento sa pasahe.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nakapagsilbi na ang mga senior citizen sa bansa at nagtrabaho sila ng buong buhay nila kaya dapat lamang na bigyan sila ng gobyerno ng kaunting benepisyo.
Karamihan din aniya sa mga senior citizen ay kakaunti na lamang ang hawak na pera kaya pag-aaralan ng pamahalaan ang malaking diskuwento para sa kanila.
Ngayong araw ay inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang 50% na discount sa pasahe para sa mga estudyanteng sasakay ng LRT at MRT, habang sa kasalukuyan, ay nasa 20% ang diskwento sa pasahe ng mga senior citizen.
Sinabi rin ni Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralan na ni Pangulong Marcos Jr. kung itataas sa 50% discount ang pasahe ng mga senior citizen.