Hamon ni Roque na “come and get me” sa gobyerno, sinagot ng “wait and see” ng Palasyo

WAIT AND SEE.

Ito ang tugon ng Malacañang kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque matapos pagtawanan at hamunin ang pamahalaan na “come and get me” para mapauwi ng bansa.

Ayon kay Roque, ang intelligence ng gobyerno ay mula lamang sa tsismosang Dutch kaya hindi totoo ang mga impormasyon na nakararating sa Pilipinas.

Pero bwelta ni Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat ipagsawalang-bahala ni Roque ang assets ng Department of Justice (DOJ) para mapauwi siya ng Pilipinas.

Sa ngayon aniya ay hinihintay na ng DOJ ang “formal notice” o opisyal na pagkumpirma ng The Netherlands kung inaprubahan o tinanggihan nga ba ang asylum bid ni Roque.

Gayunpaman, hindi aniya isisiwalat ng pamahalaan ang kanilang mga hakbang tulad ng ginagawa ni Roque sa kaniyang sarili.

Facebook Comments