Imbestigasyon ng Senado sa bumigay na tulay sa Isabela, itutuloy sa 20th Congress

Tatawid sa 20th Congress ang imbestigasyon sa bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang pagtitiyak ni Senator Alan Peter Cayetano sa harap ng pagpasok ng bagong Kongreso sa June 30.

Sabi ng mambabatas, hindi dapat hayaan na walang managot sa mga pagkukulang at kapalpakan sa konstruksyon ng tulay.

Matatandaang mahigit isang bilyong piso ang ginastos sa proyekto na tumagal ng sampung taon ang konstruksyon pero noong Pebrero lamang ay bumigay ito na nagresulta sa nasa limang motoristang nasaktan.

Sinabi ni Cayetano na pagbabatayan din sa imbestigasyon ang resulta ng tatlong naunang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinangungunahan niya.

Isa sa lumitaw sa pagdinig noon na napakaraming depekto na habang ginagawa pa lamang ang tulay.

Facebook Comments