Mga PNP General at Full Pledge Colonels na nagsumite ng courtesy resignation, halos kumpleto na ayon sa PNP

Halos lahat na ng heneral at koronel ng Philippine National Police (PNP) ay nakapagsumite na kanilang courtesy resignation.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, mula sa kabuuang bilang na 956 na senior officers ay nasa 953 na ang nakapagbigay ng kanilang courtesy resignation.

Sinabi ni Fajardo na ang ilang courtesy resignation ay mula sa Visayas at Mindanao at hinihintay na lamang nilang maipadala sa PNP national headquarters.


May hanggang January 31, 2023 ang mga heneral at full pledge colonels ng PNP para makapagpasa ng kanilang resignation.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para malinis ang hanay ng PNP sa iligal na droga.

Ang mga nagpasa ng courtesy resignation ay isasailalim sa lifestyle check at imbestigasyon ng five-man committee.

Facebook Comments