SENIOR CITIZENS SA SAN FABIAN NA MAKIKINABANG SA SOCIAL PENSION PROGRAM, NADAGDAGAN PA

Nagbigay ng pinakahuling update ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng San Fabian kaugnay ng pagpapatupad ng Social Pension Program para sa mga nakatatanda sa bayan.

Sa ulat ni Ms. Lourdes Bueno ng OSCA, matagumpay na naipamahagi noong Hulyo 9 ang social pension sa 200 karagdagang benepisyaryo para sa ikalawang quarter ng taong 2026.

Inanunsyo rin niya na sa July 22 ay isasagawa ang payout para sa 305 milestone age beneficiaries na nasa edad 80, 85, 90, at 95 taong gulang. Kasama rin sa mga tatanggap ng benepisyo ang isang centenarian, na pagkakalooban ng ₱100,000 bilang pagkilala ng pamahalaan.

Bukod dito, sinabi ni Bueno na may 189 potensyal na benepisyaryo mula sa Community-Based Monitoring System (CBMS) na sasailalim sa validation at assessment upang matukoy kung maaari silang maisama sa Social Pension Program para sa ikatlong quarter ng taong 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments