Umabot na sa 59,149 na tricycle drivers sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng ₱5,000 cash relief assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Target ng DSWD na tapusin ang payout sa NCR sa March 19 at inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga benepisyaryo.
Para naman sa mga hindi makakaabot sa tatlong araw na payout schedule, tiniyak ng kagawaran na magkakaroon ng special pay-out.
Plano rin ng ahensya na simulan sa March 23 ang pamamahagi ng ayuda sa iba pang public utility vehicle (PUV) drivers tulad ng Transportation Network Vehicle Services (TNVS), motorcycle taxi, jeepney, at food delivery riders.
Tiniyak ng DSWD na makatatanggap din ng tulong ang mga tsuper sa mga probinsya.
