6-TAONG GULANG NA BATA, NAATRASAN NG VAN; PATAY

Cauayan City – Binawian ng buhay ang isang 6 na taong gulang na batang lalaki matapos na maatrasan ng isang van sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng PNP Kasibu, kasalukuyan umanong naglalaro ang bata sa daan nang hindi sinasadyang mahagip ito ng paatras na van.

Hindi umano napansin ng driver na mayroon palang batang naglalaro sa likurang bahagi ng sasakyan dahil nakaupi umano ang batang lalaki habang naglalaro.


Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang batang lalaki subalit sa kasamaang palad, dahil sa matinding pinsalang tinamo nito sa ulo ay idineklara itong Dead on Arrival.

Facebook Comments