
CAUAYAN CITY – Natanggap na ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program mula sa San Mariano, Isabela ang kanilang Food Basket.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2).
Layunin ng programa na matugunan ang mga pangangailangan ng mga benepisyaryo at masiguro na mayroon silang sapat na pagkain sa kanilang lamesa.
Samantala, patuloy pa rin ang pagsisikap ng DSWD na mapalawak at mapalakas ang programa na makatutulong upang tugunan ang kagutuman sa Rehiyon Dos.
Facebook Comments