Sinimulan na ang pickleball tryouts sa San Fabian Public Auditorium bilang paghahanda ng bayan para sa nalalapit na Governor’s Cup Pickleball Tournament 2026.
Isinagawa ang tryouts para sa Men’s, Women’s, at Mixed Categories sa Singles at Doubles divisions, kung saan nagpakitang-gilas ang mga kalahok na umaasang mapabilang sa bubuo ng koponan ng San Fabian.
Layunin ng aktibidad na matukoy at mapili ang mga pinakamahusay na manlalaro na magiging kinatawan ng San Fabiansa Governor’s Cup Pickleball Tournament 2026.
Sa pamamagitan ng naturang paghahanda, umaasa ang lokal na pamahalaan at mga organizer na mabibigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro na maipamalas ang kanilang husay at maiangat ang pangalan ng San Fabian sa larangan ng pickleball. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










