
Para kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio isang kahihiyan kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at sa anti-corruption campaign nito ang kabiguang maaresto at maibalik sa bansa si dating Congressman Zaldy Co.
Reaksyon ito ni Tinio makaraang ihayag ng Department of Justice (DOJ) na wala na si Co sa kostudiya ng Czech Republic.
Sabi ni Tinio, pinaasa lang tayo na aresto si Co at maibabalik pero wala naman pala.
Bunsod nito ay binigyang-diin ni Tinio na patuloy ang paniningil ng taumbayan sa pananagutan ng mga sangkot sa korapsyon lalo na ang mga malalaking isda.
Sa tingin naman ni Tinio ay posibleng nakahinga din ng maluwag si PBBM na hindi pala makakauwi si Zaldy Co.
Pinaalala ni Tinio na itinuro ni Co si Pangulong Marcos na nag-utos sa kanya na magsagawa ng budget insertions at binigyan din niya ito ng malaking halaga ng kickback.










