ABKD NAKAKABASA PROGRAM,INILUNSAD SA DAGUPAN UPANG PALAKASIN ANG LITERACY NG MGA BATA

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang Ang Bawat Kabataang Dagupeño Nakakabasa o ABKD Nakakabasa Program bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng mga kabataan.

Sa pamamagitan ng programa, isinagawa ang serye ng pagsasanay tungkol sa science of reading o mga pamamaraan na nakabatay sa pananaliksik upang higit na mapahusay ang pagtuturo at pagkatuto ng pagbasa. Isinagawa ang seminar kahapon at magpapatuloy ngayong araw, July 15 sa CSI Stadia Emerald Hall.

Dinaluhan ang paglulunsad ng mga opisyal ng lungsod, kinatawan ng Department of Education, mga katuwang sa sektor ng edukasyon, City Secretary, Teen Center, City Library Office, City Tourism Office, Early Childhood Care and Development, at mga kinatawan ng City Social Welfare and Development Office.

Lumahok din sa aktibidad ang mga district supervisor, school principal, barangay librarian, at Child Development Center workers na magiging katuwang sa pagpapatupad ng programa.

Layunin ng ABKD Nakakabasa Program na palakasin ang pundasyon ng pagbasa ng mga bata sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng paaralan, pamahalaan, at komunidad upang matiyak na bawat kabataang Dagupeño ay mabibigyan ng pagkakataong matuto at umunlad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments