Comelec, kinansela ang registration ng Duterte Youth Party-list group

Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng Duterte Youth Party-list.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang desisyon ay inilabas ng Comelec Second Division sa botong 2-1.

Ang desisyon ay nag-ugat sa isang kasong isinampa noong 2019, ng isang grupo ng mga kabataan laban sa Duterte Youth Party-list.

Iginigiit ng mga complainant na dapat tanggalin ang pagpaparehistro sa partido ng grupo, dahil inaprubahan ito ng Comelec En Banc nang hindi inilathala ang kanilang petisyon, at nang walang isinagawang pagdinig sa kanilang aplikasyon, alinsunod Party-list System Act.

Nilinaw ni Garcia na ang desisyon ay hindi pa final and executory dahil ang partido ay maaaring mag-file ng isang motion for reconsideration sa loob ng limang araw.

Nauna nang sinuspinde ang proklamasyon ng Duterte Youth Party-list dahil sa naturang nakabinbing kaso.

Facebook Comments