Adjustment sa singil sa tubig, inaprubahan na ng MWSS

Inanunsyo ngayon ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang inaprubahang four centavo adjustment o pagtataas sa singil ng tubig ng Manila Water.

Sa press conference sa tangggapan ng MWSS sa Quezon City, sinabi ni MWSS Chief Regulator, Patrick Lester Ty, na ito ay dahil sa umiiral na foreign currency differential adjustment (FCDA).

Paliwanag pa ni Ty na ang FCDA ay ang adjustment na epekto ng paggalaw sa palitan ng piso kontra sa ibang currency dahil sa mga utang ng gobyerno at water concessionaires.


Pero paglilinaw ni Ty, hindi maaapektuhan o walang epekto ang adjustment sa mga Manila Water customer na kumukunsumo ng hindi taas sa 20 cu meters kada buwan.

Sa mga regular consumer na mayroong monthly bill na kumukunsumo ng mahigit sa 20 cu meters na may bill na 563.47 ay magiging 563.92-pesos.

Sabi ni Ty mararamdaman ang epekto ng adjustment pagsapit ng April 1 o matapos ang 15-days na publication.

Samantala nag-defer o ipinagpaliban naman ng maynilad ang dagdag-singil ibig sabihin ay hindi magpapatupad ng adjustment ang Maynilad Water concessionaire.

Facebook Comments