
Nadagdagpan pa ang reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong makakatulong sa pagdakip kay “Alias Xander,” ang suspek sa shootout sa Bocaue, Bulacan na ikinasawi ng dalawang pulis nitong March 8.
Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, ang P2 milyon dito ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, habang ang tig P100,000.00 ay mula naman sa Bocaue Local Government Unit o LGU at Police Regional Office 3.
Maaalalang nauna nang nadakip ng mga awtoridad ang kanyang kapatid na target ng operasyon dahil sa iligal na bentahan ng baril.
Layon ng mas mataas na patong sa ulo ng suspek na hikayatin ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mahuli ang suspek at mapanagot ito sa batas.
Una nang kinondena ni PRO3 Regional Director PBGen. Jean Fajardo ang brutal na pag-atake sa mga pulis at tiniyak nitong gagamitin ng pulisya ang lahat ng available resource upang mapanagot ang suspek.