MGA PAARALAN SA DAGUPAN, MAGHIHIGPIT SA DISIPLINA NG CRIMINOLOGY STUDENTS KASUNOD NG BABALA NG NAPOLCOM SA MGA LUMALABAG SA BATAS-TRAPIKO

Paiigtingin ng mga paaralan sa Dagupan City ang mga programa at patakaran para sa mga criminology student kasunod ng insidente ng isang criminology student intern na nahuling lumalabag sa batas-trapiko.

‎Ayon kay Mike Jo Perreras, dean ng School of Criminology ng Universidad de Dagupan, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga instructor at student leader upang mapalakas ang paggabay sa mga estudyante.

‎
‎Nagsasagawa rin sila ng monitoring upang matiyak na nasusunod ng mga estudyante ang mga patakaran sa loob at labas ng paaralan.
‎
‎
‎Samantala, ayon kay Salvador G. Samson, program head ng College of Criminology ng University of Luzon, dapat maging isang “eye opener” ang nasabing insidente para sa mga estudyanteng naghahanda na maging mga tagapagpatupad ng batas sa hinaharap.

‎
‎Dagdag ni Samson, paiigtingin nila ang paghubog sa disiplina sa sarili ng mga estudyante upang maisabuhay nila ito hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati sa labas nito.
‎
‎
‎
‎Sang-ayon naman si Riane Jessl O. Escaño, president ng Criminology Supreme Student Council ng University of Luzon, na dapat maging halimbawa sa pagsunod sa batas ang mga criminology student, sa loob man o labas ng paaralan.
‎
‎ ‎Patuloy naman ang paghahanda ng mga paaralan ng mga hakbang upang mapanatili ang disiplina, pananagutan at paggalang sa batas ng mga estudyante, lalo na’t inaasahang magiging tagapagpatupad din nito sa hinaharap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments