Aklan PPO, nagpaalala sa publiko laban sa mga snatchers at criminal ngayong holiday season

Kalibo, Aklan – Nagpaalala ngayon ang Aklan Police Provincial Office (Aklan PPO) sa publiko laban sa mga snatchers at criminals ngayong Pasko at Bagong Taon. Ayon kay Aklan Police Provincial Office provincial director, Police Colonel Crisaleo Tolentino na posibleng tumaas ang mga petty crimes kung saan basi sa kanilang pag monitor nitong nakaraang taon ay tumaas ang cellphone at wallet snatching sa panahon ng holiday season at tuwing may malalaking okasyon. Dagdag pa nito na nabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng mga modus operandi ang criminal kapag marami ang mga mamimili at mga merrymakers. Pinaalalahanan rin niya ang publiko na suportahan ang kampanya laban sa kriminalidad ng mga kapulisan at maging maingat sa kanilang kaligtasan at seguridad sa ngayong mga okasyon. Magsasagawa rin ng pag-iikot ang mga patrol cars sa mga commercials centers, bus terminals, simbahan, at sa mga nangungunang daanan.
Facebook Comments