Ayon kay Reymart Viray, Administrative Officer II ng OSBC, kailangang masunod ng mga establisiyemento ang mga legal na requirements at iba pang regulasyong itinakda ng lokal na pamahalaan. Maaari ring direktang magtungo sa tanggapan ng OSBC ang mga aplikante upang malaman at maiproseso ang mga kinakailangang dokumento.
Inamin naman ni Viray na mayroon pa ring ilang negosyo at establisiyemento sa lungsod na patuloy na nag-o-operate kahit hindi kumpleto ang kanilang requirements.
Nauna nang sinabi ni Mayor Belen Fernandez na hihigpitan ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa mga establisiyementong nag-o-operate nang walang kaukulang permit.
Isinusulong din ang isang ordinansa na magbibigay ng mas malinaw na kapangyarihan sa lokal na pamahalaan na ipasara ang mga negosyong patuloy na lumalabag sa permit requirements.
Paalala naman ng OSBC sa mga negosyante na ayusin at kumpletuhin ang kanilang mga dokumento upang maiwasan ang paglabag at posibleng pagpapasara ng kanilang establisiyemento. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







