Nagbubunyi ngayon ang bayan ng Dasol, Pangasinan sa pagkapanalo ng isa sa mga hometown pride nilang si Abigail Cajegas sa National Pageant na Aqua Queen of the Universe 2025.
Nasungkit ni Abigail (Aivee) ang pinakamataas na karangalang ito dahil sa kaniyang lubos na pagmamahal sa karagatan at sa mga yamang taglay nito sa pamamagitan ng pagtalakay sa kaniyang adbokasiya para sa marine conservation and sustainability.
Ang 3rd edition underwater crowning na ito ay na naganap sa Moalboal, Cebu nitong January 18 kung saan aktwal na kinoronahan si Abigail sa ilalim ng dagat.
Isang Platform Engineer ang 26 anyos na si Abigail na kilala ding Youth Advocate and volunteer sa mga environmental preservation activities – katangian na talagang fit for a queen.
Ang pagkakaroon ni Abigail ng malalim na ugnayan sa karagatan ay dahil na rin sa kaniyang ama na isang mangingisda – kabuhayan na siyang nagtataguyod sa kanilang pamilya.
Ang Aqua Queen of the Universe pageant ay isang underwater competition kung saan ang mga kababaihang may taglay na malasakit at pagmamahal sa ocean conservation ay nagsasama-sama upang ipakita ang kanilang mga adbokasiyang pangalagaan ang marine life. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨