MANGINGISDA, NALUNOD SA BOLINAO

Nalunod ang isang mangingisda Matapos umanong mahulog mula sa kanyang bangka sa Brgy. Luciente 2nd, Bolinao, Pangasinan.
Ang biktima ay Isang 40-anyos at residente ng Anda. Ayon sa salaysay ng saksi, pauwi na umano ang biktima sakay ng kanyang bangka nang bumangga ito sa isang lubid na nakakabit sa Isang fish cage.
Dahil sa lakas ng banggaan, tumama ang lubid sa kanya na naging sanhi ng aksidenteng pagkahulog niya sa bangka.

Nawalan ito ng ng malay at tuluyang nalunod. Agad narekober ang katawan ng biktima ng mga tauhan ng Bolinao at Anda Coast Guard at dinala sa Bolinao Community Hospital ngunit Idineklarang dead on arrival ng doktor.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments