Arci Muñoz at ex-BF ni Erich Gonzales – “dating” na

335

Manila, Philippines – Kinumpirma ng aktres na si Arci Muñoz na ‘dating’ sila ng ex-boyfirend ni Erich Gonzales na si Anthony Ng.

Una rito, ilang beses na nakitang magkasama si Arci at ang Chinese businessman na obvious naman daw na may espesyal na relasyon namamagitan sa kanila.

Say ng aktres, one year na rin naman mula nang maghiwalay sila ng rock artist na si Badi Del Rosario kaya mukhang ito na ang perfect time para pumasok ulit siya sa relasyon.

Aniya, sobrang okey sa kanya si Anthony maging ang pamilya nito.

Una nang na-link si Arci sa ex-boyfriend din ni Erich na si Daniel Matsunaga.

Marami tuloy ang nagsasabing tila sambutan ng mga ex ni Erich itong si Arci.

Pero paglilinaw ng aktres, magkaibigan lang sila ni daniel at walang kahit anong romantic relationship ang namagitan sa kanila.

Facebook Comments