Library ng ANHSAT, bahagyang nasunog

21
Kalibo, Aklan – Tinatayang nasa Php 70,000 ang pinsalang iniwan ng nangyaring sunog kaninang madaling araw sa Library ng Aklan National High School of Arts and Trades (ANHSAT) sa Calachuchi Road, Andagao, Kalibo, Aklan. Ayon kay FO2 Baldomero imperial ng BFP Kalibo, na nakatanggap sila ng tawag mula sa Kalibo PNP na merong nangyayaring sunog sa nasabing paaralan kaya’t agad silang nag responde at sa kanilang pagdating ay naapula na ito ng mga naka duty na gwardya. Ilan sa mga nasunog ay ang isang computer, mesa, ilang libro at iba pang gamit doon. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Kalibo sa nasabing insidente.
Facebook Comments