Atong Ang, idinadawit sa pagkawala ng mga sabungero

Idinadawit ngayon ang negosyanteng si Atong Ang sa pagkawala ng mga sabungero.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ng isang testigo na si Alvin Indon na mismong si Atong Ang ang nag-utos kay Police Master Sergeant Michael Claveria na nasa likod ng pagdukot sa mga biktima.

Ayon kay Indon, nasa limang libong piso ang iniaalok ni Ang kay Claveria sa kada isang mapapatay na “manonyope” o game fixer.


Kasunod nito, pinabulaanan naman ni Claveria at Atong, ang mga alegasyon.

Ayon kay Ang, bahagi lamang ito ng mga sabwatan na nagaganap para lamang sirain siya.

Samantala, tiniyak naman ng mga senador na ilalagay sa witness protection program ang mga biktima at kanilang mga kaanak.

Facebook Comments