Posibilidad ng Chinese invasion, ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling lumala ang digmaan ng Russia at Ukraine

1346

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad ng Chinese “invasion” sakaling gumamit na si Russian President Vladimir Putin ng nuclear weapons sa nagpapatuloy na digmaan sa Ukraine.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng pangulo na kapagnangyari ito ay otomatiko nang madadamay ang Pilipinas lalo na’t malapit tayo sa South China Sea.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pinayagan niya ang Amerika na gamitin ang ating mga pasilidad sakaling lumala pa ang tensiyon.


Samantala, inalala din ng pangulo ang kanilang naging pag-uusap ni Putin noong 2017 kung saan sinabihan raw siya nito na kakausapin ng Russia ang China kaugnay sa isyu ng teritoryo sa South China Sea na hindi naman umano pinakinggan.

Facebook Comments