Para sa residential consumers, itinakda ang August rate sa ₱12.7390 kada kilowatt-hour (kWh), VAT exclusive. Kapag isinama ang 12% VAT, aabot ito sa humigit-kumulang ₱14.2677/kWh.
Mas mataas ito kumpara sa ₱13.7008/kWh na inanunsyong residential rate noong July 2026 na VAT inclusive, kung parehong VAT-inclusive na batayan ang gagamitin sa paghahambing.
Samantala, tumaas naman ang low-voltage rate sa ₱12.1220/kWh ngayong Agosto mula ₱11.8034/kWh noong Hulyo.
Bahagyang bumaba naman ang high-voltage rate, mula ₱9.9620/kWh noong Hulyo patungong ₱9.9411/kWh ngayong Agosto.
Bumaba rin ang Generation Charge, na mula ₱7.7260/kWh noong Hulyo ay naging ₱7.5426/kWh para sa Agosto.
Wala namang partikular na dahilan na binanggit ang kooperatiba sa August advisory kaugnay ng pagbabago sa kabuuang power rates.
Pinapaalalahanan naman ng CENPELCO ang mga member-consumer-owners na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makatulong sa pagkontrol ng konsumo at buwanang electric bill. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








