
Arestado ng Quezon City Police District ang isang babae na nagpanggap na konektado kay
Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.
Ito’y matapos na masangkot ito sa hit and run noong nakaraang buwan.
Kinilala ni QCPD acting Director PCol. Melecio Buslig Jr. ang arestado na si a.k.a. Keith Bagtas Doumbia, 29 years old.
Nauna rito, umaga ng February 18, 2025 nang nabangga ni Keith ang isang Mitsubishi Xpander sa kahabaan ng EDSA Northbound.
Nang dumating ang mga tauhan ng MMDA upang mag-imbestiga, nagpakilalang pulis ang babae na nakasuot noon ng PNP athletic uniform at nasabing konektado siya kay Marbil bago tumakas sakay ng Toyota Avanza.
Pero, kinahapunan, naaresto siya sa barangay hall ng Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City matapos manakit ng isang estudyanteng lalaki at pagbantaan ang isa pang estudyanteng babae.
Sa pagsasagawa sa kaniya ng body search, nakuha sa kaniyang pag-iingat ang cannabis flower oil, kush marijuana at mga PNP uniform.
Patong-patong na kaso ang kinakaharap ni Alias Keith,gaya ng physical injury, threats, usurpation of authority, at paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act.