
Cauayan City – Natapos na ang bagong flood control structure na itinayo sa kahabaan ng Cagayan River sa Barangay Centro 3, Angadanan, Isabela.
Layunin ng proyekto na maprotektahan ang komunidad mula sa matinding pagbaha at pagguho ng pampang tuwing malalakas ang pag-ulan.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), natapos na ang 313.60-linear meter na double-slope concrete revetment na may kasamang steel sheet piles.
Ipinahayag ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, base sa ulat ni DPWH Region II Director Mathias L. Malenab, na matagal nang hinihintay ng mga taga-Barangay Centro 3 ang proyektong ito dahil sa madalas na pagbaha sa kanilang lugar.
Ang proyekto ay ipinatupad ng DPWH Isabela 3rd District Engineering Office at pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), may kabuuang halaga na P77.1M.