ESTUDYANTE, SINAKSAK UMANO NG SARILING AMA SA SAN CARLOS CITY

Isang 18-anyos na estudyante ang isinugod sa ospital matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang sariling ama sa loob ng kanilang tahanan sa San Carlos City noong gabi ng Hulyo 14, 2026.

Kinilala ang suspek bilang isang 44 anyos at residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente nang umano’y nakainom ang mag-ama at nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Lumala umano ang kanilang pagtatalo na nauwi sa suntukan hanggang sa kumuha ang suspek ng kutsilyo at pinagsasaksak ang kanyang anak.

Tinamaan ang biktima ng isang saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib at agad na dinala sa ospital.

Samantala, naaresto ng mga rumespondeng tauhan ng PNP ang suspek at dinala sa San Carlos City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments