Bangkay ng isang babae, natagpuan sa isang garbage site sa Barangay Payatas, Quezon City

Isang bangkay ng isang babae ang natagpuan ng mga garbage collector sa isang garbage site sa kanto ng Saint Beatriz Street at San Lorenzo Street, Barangay Payatas, Quezon City.

Agad namang rumisponde  ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) upang ikordon ang lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at ang dahilan ng pagkamatay ng babae.

Tinatayang nasa pagitan ng  30-40 years old ang edad nito at nasa 5’1 ang taas. 

May slim ang pangangatawan, fair complexion, may suot na silver  na singsing sa kaliwang gitna daliri, walang lower garments at may suot 4-5 layer na damit.

Facebook Comments