Isang babaeng wanted person ang naaresto ng mga operatiba ng Mapandan Municipal Police Station sa isinagawang operasyon noong Hulyo 8, 2026, kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa paglabag sa mga batas na nagpoprotekta sa mga bata.
Ayon sa Mapandan Municipal Police Station, ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Republic Act 9231 o Anti-Child Labor Law at Section 10(A), Article VI ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nagtakda ang hukuman ng piyansang ₱200,000 para sa kasong paglabag sa RA 9231 at ₱80,000 para sa kasong paglabag sa RA 7610 para sa pansamantalang kalayaan ng akusada.
Isinagawa ang operasyon sa pamumuno ni Police Major Vincent Jasper B. Magsarili, Officer-in-Charge ng Mapandan Municipal Police Station, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa mga wanted person.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon sa pagpapatupad ng batas, lalo na sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











