Bilang ng kaso ng dengue sa QC, pumalo na sa mahigit tatlong libo

Umakyat na sa mahigit tatlong libo ang bilang ng kaso ng dengue sa Quezon City.

Batay sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division, umabot na sa 3,420 ang tinamaan ng dengue sa lungsod mula January 1 hanggang March 10, 2025.

Mas mataas ito ng 286.88 percent kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.


Nananatili naman sa 12 ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue sa Quezon City, kung saan sampu rito ay mga menor de edad.

Nananatili pa ring bukas ang 66 na health center sa lungsod na may dengue fast lane para sa mas mabilis na pagtugon sa mga tinatamaan ng dengue.

Facebook Comments