Bilang ng mga naarestong indibidwal na lumabag sa election gun ban, patuloy na tumataas

Sa loob ng halos isang linggo matapos mag-update ng datos ang Commission on Elections (Comelec) noong Lunes, February 24, 2025, pumapalo na sa 1,295 ang bilang ng mga indibidwal na lumalabag sa ipinapatupad na election gun ban.

Sa datos ngayon ng Comelec, pinakamarami sa lumabag ay pawang mga sibilyan na nasa 1,234 ang bilang.

Bukod dito, walong tauhan ng Philippine National Police (PNP) at pitong Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nahuli sa gun ban habang 26 ang mga security guard.

May mga nadakip din na isang civilian armed auxiliary na lumabag sa gun ban kabilang ang tig-anim na miyembro ng iba pang law enforcement agency at mga dayuhan.

Patuloy na umaapela ang Comelec sa publiko na huwag na sanang magdala ng anomang uri armas kung hindi kabilang sa mga exempted sa ilalim ng ipinapatupad na election gun ban.

Facebook Comments