Bilang ng mga nasawi sa dengue, umabot na sa 11 — QC-LGU

Inanunsyo ng Quezon City government na umakyat pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dengue sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Department (QC-CEDU), labing-isa na ang naitatalang nasawi sa lungsod dahil sa dengue hanggang noong February 19, 2025.

Paliwanag pa ng LGU na kabilang sa mga barangay na nakapagtala ng nasawi ay ang Barangay Capri na may dalawa habang tig-isa naman sa Barangay Bahay Toro, Batasan Hills, Doña Imelda, Fairview, Holy Spirit, Paligsahan, Payatas B, Pinyahan at Vasra.

Dagdag pa ng LGU, sa kasalukuyan, umaabot na sa 2,127 ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa Quezon City.

Patuloy naman ang paalala ng QC government na kaagad na magpapakonsulta kapag may nararamdamang sintomas ng dengue.

Ito ay upang kaagad na maagapan at hindi na lumalala at mauwi sa pagkasawi.

Facebook Comments