BINATANG NAG AMOK SA BAYAN NG MALASIQUI ARESTADO MATAPOS MAHULIAN NG SHABU

Magkapatong na kaso ngayon ang kinakaharap ng isang trentay tres anyos na binata matapos itong arestuhin dahil sa panggugulo at mahulian pa ng shabu sa bayan ng Malasiqui.
Ang suspek ay nakilalang si Ryan Ferrer, residente ng Brgy. Tambac sa nasabing bayan
Una dito ay itinawag sa PNP ang panggugulo ng suspek sa kanilang lugar kung saan ay naabutan pa ng mga kapulisan ito na nag-aamok.
Bilang parte ng standard operating procedure ay kinapkapan ang suspek kung saan ay nakuhanan ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .14 grams at nagkakahalaga ng aabot sa isang libong piso.

Inihahanda na ngayon ang mga kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments