
CAUAYAN CITY – Isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang isang bloodletting activity sa ika-13 ng Hunyo, bandang alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Gaganapin ito sa 5th Floor, GFNDY Sr. Memorial Hospital, Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.
Layunin ng aktibidad na makaipon ng dugo para sa mga taong nangangailangan nito. Bukod dito, ito rin ay upang ipakita ang kahalagahan ng pagbibigay ng dugo na sumisimbolo ng pagtutulungan ng mga Isabeleño.
Ang gagawing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 2025 World Blood Donor Day.
Facebook Comments