BOC Commissioner Isidro Lapeña, mayroong ihahayag sa media ngayon araw

Manila, Philippines – Ihahayag ngayon ni BOC Commissioner Isidro Lapeña sa mga mamahayag ang mga mahahalagang programa sa ahensiya.

Isa sa inantabayanan ngayon ng media kung ano ang mahahalagang announcement ni Lapeña kung magkakaroon ba ng malawakang balasahan at kung ano pa ang mga pagbabago na gagawin ng BOC Commissioner sa ahensiya.

Una nang napaulat na bibitbitin ni Lapena ang mga opisyal ng PDEA kabilang si PDEA Director Wilkins Villanueva upang maisulong ang kanyang mga programa na nasimulan at ipagpatuloy sa BOC.


Maliban sa mga kontrobesyal na nangyayari sa BOC inaantabayanan din ng media ang mga pagbabago na ipatutupad ni Lapeña kabilang transaksyon na dumadaan sa greenlane.

Facebook Comments