Mula sa personal na paghahatid ng relief goods sa mga pamilyang grabeng naapektuhan ng baha sa Pangasinan kamakailan, tumulak naman sa Tokyo, Japan si Pangasinan Fourth District Congresswoman Gina de venecia para sa isang mahalagang parliamentary mission.
Si De Venecia, Chairperson ng House Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy, ay kabilang sa mga delegado sa 88th Council Meeting at 54th General Assembly ng Asian-Pacific Parliamentarians’ Union o APPU, na ginaganap mula Agosto 24 hanggang 26. Kasama niya sa official trip na ito sina Deputy Speaker Rachel Arenas, Congresswoman Linabelle Villarica, Congresswoman Ma. Alana Samantha Santos at Congressman Emigdio Tanjuatco.
Sa kanyang speech sa opening program, binigyang-diin ni De Venecia ang pangangailangan ng mas matibay na pagtutulungan ng mga bansa sa Asia-Pacific sa harap ng lumalaking geopolitical tensions, climate change, cyber threats, economic uncertainty, at mga pagkaantala sa trade at supply chains.
Ayon kay De Venecia, nagsisimula man sa loob ng bansa ang resilience ng Pilipinas, kailangan itong higit pang palakasin sa pamamagitan ng regional cooperation, stronger partnerships at deeper trust.
Ibinahagi rin niya ang ilang repormang isinulong ng Pilipinas para gawing mas competitive ang ekonomiya, kabilang ang Customs Modernization and Tariff Act, Ease of Doing Business Act, at mga pagbabago sa Foreign Investments Act at Public Service Act.
Binigyang-diin din ng kongresista ang patuloy na suporta sa Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sa pamamagitan ng digitalization, mas maayos na logistics, financing at market access.
Iginiit ni De Venecia na mahalaga ang papel ng mga parliament sa paghubog ng mga batas para sa trade, investment, energy at climate action, gayundin sa pagtiyak ng wastong paggamit ng pondo ng bayan at pagprotekta sa interes ng mga mamamayan.
Hinimok niya ang mga miyembro ng APPU na higit pang palalimin ang pagbabahagi ng mga batas, policy innovations at best practices sa pagitan ng mga parliament ng mga bansang kasapi.
Ang tatlong araw na APPU gathering sa Tokyo ay nakatuon sa pagpapalakas ng inter-parliamentary cooperation, economic stability at regional supply chain resilience.
Mula sa relief operations sa Pangasinan hanggang sa parliamentary diplomacy sa Tokyo—bitbit ni Congresswoman Manay Gina de Venecia ang panawagan para sa mas matatag na kooperasyon at mas resilient na rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments