BPAT’S AT CITIZEN RIDER SA ALICIA, ISABELA, PINARANGALAN MATAPOS MAKIBAHAGI SA NLE 2025

Cauayan City — Nakatanggap ng parangal ang Barangay Peacekeeping Action Teams at Citizen Rider sa Alicia, Isabela matapos makibahagi sa maayos at mapayapang Midterm National and Local Elections 2025.

Pinangunahan ito ni Police Major Felix V. Mendoza, Hepe ng Alicia Police Station, para sa piling kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Citizen Initiative Support Riders Group Incorporated.

Pinarangalan ang mga naturang grupo dahil sa kanilang aktibong partisipasyon at maayos na koordinasyon sa mga awtoridad na naging susi sa mapayapang halalan sa buong bayan.

Ipinakita ng mga volunteer ang kanilang dedikasyon sa pagbabantay sa mga presinto at pagtulong sa seguridad, dahilan upang walang maitalang seryosong insidente sa panahon ng halalan.

Sa naging mensahe ni Police Major Mendoza pinuri niya ang ang malasakit, disiplina, at kooperasyong ipinamalas ng mga pinarangalan.

Facebook Comments