
Cauayan City -Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan limang natatanging pulis ng Rehiyon sa isinagawang Monday Flag Raising at Awarding Ceremonies noong Mayo 19, 2025, sa harap ng Admin Building ng Police Regional Office 2 (PRO2).
Pinangunahan ni PBGEN Marcial Mariano P. Magistrado IV, Deputy Regional Director for Administration, ang seremonya na inorganisa ng Regional Investigation and Detective Management Division.
Tampok sa aktibidad ang paggawad sa limang natatanging pulis na sina PCMS Efren C. Agarri, Jr., PCpl Jolesmar C. Lagundi, Pat. Daisy Joy C. Ringor, na pawang nakadestino sa Cagayan PPO, PSMS Danilo E. Maui, Jr ng Isabela PPO at PCpl Jericson A. Baricaua ng RMFB2.
Kinilala ang kanilang natatanging serbisyo at kontribusyon sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.