Bulkang Bulusan , muling nag alburoto

Manila, Philippines – Malalim na ang gabi nang muling pag mag alburoto ang bulkang bulusan na matatagpuan sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, alas diyes :29 kagabi nang makapag tala sila ng minor phreatic explosion ng bulkan.

Tumagal ang pagbuga ng abo ng labindalawang minuto batay sa nakuhang seismic record ng PHIVOLCS.


Kasabay ng aktibidad ng bulkang Bulusan, lumindol sa palid nito kung saan naramdaman ng mga residente.

Kung maalala, huling nag alburoto ang nasabing bulkan noong disyembre ng nakaraang taon.

DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments