BUONG MANGALDAN, 9 ORAS NA MAKARARANAS NG POWER INTERRUPTION SA SABADO

‎Makakaranas ng siyam na oras na pagkawala ng suplay ng kuryente ang buong bayan ng Mangaldan sa Sabado, Agosto 22, 2026, mula alas-6:30 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon.


‎Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), isinagawa ang nakatakdang power interruption sa kahilingan ng Pangasinan Electric Cooperative III (PANELCO III) upang bigyang-daan ang mga isasagawang line works sa Binalonan-Urdaneta 69kV line, gayundin ang line modification works sa Binalonan I at Binalonan II substations.


‎Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente, negosyo, tanggapan at iba pang establisimyento sa Mangaldan na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng kuryente. Partikular na pinapaalalahanan ang mga establisimyentong umaasa sa tuloy-tuloy na suplay ng kuryente para sa kanilang operasyon na gumawa ng kinakailangang paghahanda.


‎Nagpaalala rin ang NGCP na maaaring maibalik ang suplay ng kuryente mas maaga o mas huli kaysa sa itinakdang oras, depende sa aktuwal na kondisyon ng mga isinasagawang trabaho at sa iba pang hindi inaasahang pangyayari.


‎Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga susunod na abiso mula sa NGCP at PANELCO III kaugnay ng naturang power interruption. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments